Advertisement

PULIS DAGUPAN PLANTED 5KG OF DRUGS ON SUSPECT - ALLEGEDLY

PULIS DAGUPAN PLANTED 5KG OF DRUGS ON SUSPECT - ALLEGEDLY Disclaimer: This was pulled on facebook reported by netizens

WATCH VIDEO AFTER READING!
Sobrang nakaka-alarma ito police Dagupan! 👮‍♀️ 👮‍♂️ 🚨 ngayon lang ito! dati di ako naniniwala, on the way kami papuntang cafetin, then sa harap mismo ng UL , akala namin may nag-aaway so katulad ng iba tumakbo kami papunta kay kuya kasi mukhang dehado si kuyang hinuhuli, lahat ng nanunuod walang ginagawa so ako ang nag insist na mag video, ang sabi samin ni kuya magnanakaw raw yung hinuhuli, so kami awang awa sa kanya kasi pwede naman siyang kausapin ng matino pero niyakap siya ni isang kuya! Na nagpakilala na pulis! DAW! Pero naka civilian siya, and as far as I know beyond HUMAN RIGHTS ang ginagawa niya! Wala din siyang hawak o maipakita na papel na may warrant of arrest or warrant of investigation man lang na nagcoconduct sila ng operations, 3tatlong 👮‍♀️ pulis sila na naka-civilian and kung pulis man sila sana pinusasan nalang nila si kuya! Pero nalaman nalang namin lahat na Hindi pala magnanakaw si kuya! May sumigaw na isa sa police 🚨 sabi niya “PUSHER TO!” Nahulian daw nila siya ng 5kg! Ng DRUGS! 😡 kuyang police naman for God sake! Hindi po kami BOBO! At ang pinakamasakit umiiyak si kuyang hinuhuli nila sumisigaw siya ng! “KUYA WALA PO AKONG GINAGAWA! WALA PO AKONG HAWAK” then humihingi ng tulong si kuya sakin, kasi kitang kita ko wala talagang drugs si kuya! Pilit niyang sinasabi na “TAWAGAN NIYA MUNA MAMA NIYA” “NAIIYAK NA AKO” then sabi niya sakin “KUYA KUYA VIDEOHAN MO LANG” kasi takot na takot siya may nilalagay kasi sila sa kanya! Then ako awang awa talaga 😭😓😡 if only i can do something! Pero nakita ako ng isang pulis pinapatay niya yung video ko takot na takot ako! Kasi nilapitan ako pinapa delete! 😡 then buti naka isip ako ng paraan para masave yung video pinatay ko yung phone then nilagay ko sa camera! Para magmukhang denelete ko! Then habang nakapatay yung video mismong ako ang nasa isip ko kailangan kong gumawa ng paaan para di makulong si kuya dahil sa kagagawan ng mga pulis! At habang nakapatay yung phone ko kasi lumapit yung isang police sakin at binantayan ako para Hindi mag video, pinasok nila si kuya sa loob ng tindahan kung saan walang nakakakita then after that parang magic na sumigaw si kuyang police! ANO TO! ANO TO! May isang maliit na plastic! “THEN SI KUYANG HINUHULI NILA SUMIGAW NG “ *HINDI YAN SAKIN* sabay iyak, kitang kita namin ang pangyayare lahat natatakot lang magsalita dahil sa police nga daw sila pero ang pinakita lang nila samin isang maliit na I.D na parang UMID I.D lang! Yung una di ako naniniwala sa balibalita na may mga ganyan na police! Dahil ang taas ng tingin ko sa inyo mga ser!
#JusticeForAll (hustisya para sa lahat)
#PNP #PNPChief #DagupanPNPChief #ChiefOfPoliceDagupan please do some action! 🚨😱 nakakaalarma na ang Dagupan! Maging fair tayo pakinggan din natin lahat ng boses ng pilipino know the rights of all..... sobrang awang awa ako kay kuya pano nalang kung ikaw yun o kung kuya mo yun? Makukulong para maparangalan ang police na pwede naman sa labas huliin pero pinasok pa sa loob ng tindahan at nag magic! #JusticeForKuya 😐👮‍♀️🚨
Ps: hanggang ngayon disappointed ako kay 3talong kuyang police 👮‍♀️😓 at shoutout kay isang kuyang police na lumapit sakin at pinapatay yung video!kung legal po talaga yan at wala kayong sinusuksok na drugs sa hinuhuli niyo hindi kayo matatakot at hindi niyo ipapapatay yung video! 😡
Pps: habang nakapatay yung video sumigaw si isang kuyang police na nahulian daw nila si kuyang inaaresto nila ng 5kg. ng DRUGS ! Kuya ano yun? Ginwa niyo kaming bubu? Pano kakasya yun sa bulsa niya?
(Sorry po kuya kasi humihingi ka ng tulong pero di kita natulungan 😭)
Location: Front of Dagupan city UL (UNIVERSITY OF LUZON)
ctto
Credit to videographer! Nakalimutan ko pangalan denelete niya video e

ALLEGEDLY

Post a Comment

0 Comments